bb.eleyn
Harhar. Namiss ko naman si Bruce ko. :P 

Harhar. Namiss ko naman si Bruce ko. :P 

OMG! I really miss this guy. So freakin’ bad! 

OMG! I really miss this guy. So freakin’ bad! 

:(

Sa sitwasyon kong ito, kung san madaming humahanga at nag-eexpect na kaya ko ang lahat, na malayo ang mararating ko. . Nahihirapan ako, kasi hindi ko maipakita sa tao na nahihirapan na ko, kasi walang naniniwala, hindi ako makahingi ng tulong kasi lalong walang maniniwala, hindi ko masabi na hanggang dito na lang ang kaya ko, at  ayoko na.. kasi hindi pwede… hindi pwede kasi dahil sa kanila… dahil sa kanila kaya patuloy akong ganito, nagpapanggap na matapang at kaya ang lahat… nagpapanggap kahit hindi na dapat.. :/

.HEADaches.

Mahirap naman talaga magsulat ng loveletter lalo na kung first time mong gagawin ito. Lalo na kung hindi ka makapili ng kulay ng ballpen na gagamitin mo at mauuwi ka na lang sa lapis, kung saan kapag nagkamali ka e buburahin mo na lang. Ang hirap isipin kung paano mo sisimulan, at kung paano ka magtatapos. Mahirap talaga lalo na kung ilaw lang ng cellphone ang gagamitin mo para makapagsulat dahil kapag binuksan mo ang ilaw, tiyak na mahuhuli ka ng nanay mo.. 

Napakahirap talaga isulat ang mga salitang nagpabago sa buhay ng aking ina’t ama. Ang mga salitang nagbigay kulay sa pagsasama nilang dalawa. Ang mga salitang minsang nakabuo ng isang nilalang na hindi ko alam kung maganda o masama ang dinulot sa mundo. Akalain mo yun, sa edad kong ito, sa panahon na kung saan ang mga kabataan ay sobrang agresibo, ngayon ko pa hindi masabi o maisulat ang mga salitang iyon? Bakit nga ba? 

Ilang oras din akong tumanga, tumingala at kumausap ng ilang butiking nakadikit sa kisame , at pinaglaruan ang ballpen na kulay green. Hindi ko alam kung bakit green ang napili kong kulay, siguro dahil sa tuwing makikita ko ang taong pagbibigyan ko ng sulat ay nagiging green ang paligid ko. Haha. 

Alas- syete ko nag simulang mag-isip kung susulat ba ko o susulat. Napatingin ako sa relo ko at nakita ko, putcha alas- nuebe na pala, fowta! Alas- nuebe. Napagbilang ako, so bale seven, eight, nine, dalawang oras akong nagsasayang ng oras para sa isang love letter? Nagsasayang nga ba ko ng oras para dito? Napaisip na naman ako. Bakit naman kasi kailangan ko pang sumulat, kung pwede ko namang sabihin sa kanya ng harapan yung mga salitang yun. Oo, pwede nga yun, posible, dahil may bibig ako, dila at ngipin na makakatulong sakin pero paano? Matapang na ba ako? May calcium na ba ko? Tingin ko wala pa kong guts, para gawin ang bagay na yun, isa pa mag-hi nga lang sa kanya hindi ko magawa, yun pang mga salitang yun. Malabo! 

Nakaisip ako ng simula. Sa wakas. Sinimulan ko ng gamitin ang papel at ballpen na kanina pa naboboring. Nakakatuwa, pangalan pa lang nya, kinikilig na ko, paano pa kaya kung yung mga salitang yun na ang isusulat ko? Pinagpatuloy ko ang pagsusulat at ito ang naisulat ko: 

J,

Hello, try mo kayang sumimangot minsan ng mabawasan naman ang pagtingin ko sayo. Try mo lang minsan.. Kahit ilang segundo lang. Please. 

Nagmamahal, 

Eleyn

Ayan tapos na ko, pinaulit-ulit kong basahin at pinag-isipan kung itutupi ko na. Love letter ba to? Parang nang iinis lang e. Ano ba ang kulang? Asar ang hirap talaga, mahirap pa to sa subject na math, buti pa nga ang math may formula kung paano ka makakasolve, dito wala. Ang gara. Naisipan ko namang magbukas ng radyo baka sakaling makahanap ako ng ideya, sakto, may Dj na nagsasalita. “ Gurl, kung ano ang nasa puso mo sundin mo. Gawin mo na ngayon, bago mahuli ang lahat. ” Uyy. Nakakarelate si ate, oo nga no, kung ano ang nasa puso ko isulat ko. Sinimulan kong tumahimik at pinakiramdaman kung ano nga ba ang nasa puso ko, ako’y pumikit,sabay himas dito at nag wika. “ Puso, ano ba meron dyan? Share mo naman.” Nasa ganung sitwasyon ako ng biglang bumukas ang ilaw, alam ko nakapikit at nakanganga pa ko nun kasi nagsasalita nga ako, at ang kamay ko san nakahawak? Napadilat ako ng dahan-dahan, nakita ko ang nanay ko nakatingin sakin sabay tanong. “Anak, okay lang yan. Next time be sure na nakalock ang pinto mo. Ok?” Nagulat ako at biglang natauhan, sasagot pa sana ko, kaso biglang lumabas na ang nanay ko, pinatay ang ilaw, sinara ang pinto at inilock. Putcha! Lintik na sulat to, kung anu- ano tuloy ang naiisip ng nanay ko. Pinagtawanan ko na lang ang sarili ko. Hahaha. 

Gumagabi na, at feeling ko babagsak na ang aking mga mata, nauubos na rin ang mga papel sa dami ko ng scratch na nagagawa, buti na lang yung ballpen di pa sumusuko. Naalala ko bigla yung huling sinabi nung Dj, gawin mo na, bago mahuli ang lahat. Waaaaaaaa, isa-isang pumasok sa isip ko ang mga babaeng nakapaligid sa kanya, si Ana ang babaeng mukhang bakulaw, Si Lean, ang babaeng di proportion ang katawan, at si Rhia ang babaeng walang alam, joke. Actuali si Ana, napakaganda nya, anung laban ng mukha ko sa kanya? Si Lean, napakasexy, anung laban ng katawan ko sa kanya? At si Rhia napakatalino, dean’s lister, anung laban ko sa utak nya? E kung eto ngang love letter na ito di ko masimulan. Hayy, paano ko pa masasabi ang mga salitang yun sa kanya? 

Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig, tatlong basong tubig ang ininum ko, medyo nakarelax ako ng konti. Bumalik ako sa kwarto, dumapa sa kama, hinwakan ang ball pen at papel, at sinimulang magsulat, wala na kong pakialam kung ano man ang maisulat ko, basta naniniwala ako sa sarili ko, naniniwala ako sa nilalaman ng puso at isipan ko, isusulat ko kung ano ang gusto ko. 


J,

Hello. Kamusta ka naman? Alam kong ang o.a ng ganito, pasulat-sulat pa ko, parang high school lang, pero eto lang kasi yung naiisip kong paraan para masabi ko sayo kung anu yung nararamdaman ko… . (oopss, syempre secret na yung mga kasunod pa nyan. di ko ng susulat baka mabasa nga nya e.. patay!  haha.)

Eleyn


Huu. Natapos din. Nakakapagod, nakakabawas ng mantika sa katawan, pero Masaya. Ang saya ng feeling, naisulat ko lahat ng gusto kong sabihin para kong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan. Ngayon ang iisipin ko naman kung paano ko ito ibibigay at paano na ko pagkatapos ng sulat na ito? 

<sigh>. I wanna have this.  I miss buying and wearing stiletto. :’(

<sigh>. I wanna have this.  I miss buying and wearing stiletto. :’(

.Love Confession.

Hindi niya sinasadya, I’m sure. There must be reasons. Siguro nga kaya maagang nangyari para hindi

na lumalim pa. Sabi niya naguguluhan siya, sa part na yun para talagang gusto na nya ng hiwalay, 

yung tipong parang iniinsist niya na okay siya, na hindi na kami pwedeng magstep- forward. 

Okay lang, ganun talaga. I said thank you, sa honesty niya. Basta we’re still friends. Nakakatuwa nga 

e, hindi ako sanay sa ganung sitwasyon, pero natatandaan ko ang iskrip ng paghihiwalay, yung 

tamang linya na hindi mukhang bitter. Yung linya na may dignity pa rin pagkatapos.
 Ang bait ko. 

Ang hirap e, ang hirap nung gigising ka tapos titingin ka sa cellphone mo kung may message, saka mo 

marerealize na wala ng magtetext sayo. Alamo mo yung sanay ka na bago pumasok ng school, 

magtetext siya sayo, parang culminating activity to start the day, tapos ngaion hindi na pwede. Yun 

bang itetext mo siya kung may pupuntahan ka para may makasama ka. Itetext ka ng ingat, i love 

you, good night sweet dreams, yung mga ganun. 

Hindi siya ang nawalan, ako ang nawalan. Parang may tinanggal sakin. 

Hindi ko na siya maitext, parang nawalan ako ng karapatan sa kanya. MAHAL KO NGA 

SIYA! .
 Hayy! Ewan ko…